Noong unang panahon, ang mga magsasakang nakatira sa kapatagan ay lumipat sa kabundukan upang makaiwas sa kalupitan ng mga kastila.
Loading...
Nabalitaan ng mga naninirahan sa kabundukan ang planong pagsukob ng mga guardia sibil. Sila ay natakot at araw-gabi ang pagdarasal ng mga kababaihan.
Isang araw, umakyat ng bundok ang mga kastila. Nakarating sila kung saan nagtitipon-tipon ang mga nagdarasal. Sa pagtataka ng lahat ay biglang umilaw ang puno ng TIPOLO.
Maya maya lamang ay biglang lumitaw ang Birheng Concepcion sa itaas ng puno ng TIPOLO. Palibhasa''y mga relihiyoso ang kastila sila ay natakot at nagsisi.
Marami ang nakakita sa milagro ng birhen at sila ay nagpasalamat sa saklolong binigay nito. Ang masamang balak ng mga kastila at hindi natuloy bagkus ay nangako pang ang pook na iyon ay igagalang.
Masaya pang ipinamalita ng mga kastila sa kapwa nila ang nakitang milagro.
"Saan ang lugar na yon?"
"Sa bundok. Itanong nyo kung saan ang tipolo"
Dahil sa paulit-ulit na pag banggit ng "Saan ang tipolo?" tinawag nilang SANTIPOLO ang pook at di nagtagal ay naging "ANTIPOLO".
antipolo city antipolo province antipolo region antipolo website antipolo church antipolo map antipolo overlooking spots antipolo mayor
No comments
Let us know your thoughts!